Thursday, September 16, 2010

general assembly.

a week ago, tumawag sakin si Ian.

Ian: Kelan tayo kuha yearbook? Off ko ng Wednesday, sila Anne Wed din ata kukuha, tamang tama daw yun kasi Gen. Assembly din ng college natin sa 15, guest band ang Rivermaya, Urbandub at Spongecola.

Ria: O? Sakto. Off ko yun, may seminar kasi ako ng Monday, Tuesday kaya nabago off ko. (fyi, Monday&Tuesday kasi talaga off ko. hehe.)

Ian: O, Wednesday a, sama ko si Pau (boyfriend niya), sama mo na din c John.

Ria: Nyek, sige try ko isama siya (tawang kinikilig)...

Si John, siya ang kalandian ko ngayon. Kalandian kasi sa lahat ng mga lalakeng nagpaparamdan saken simula nung nagbreak kame ng ex ko, sa kanya lang ako kinilig ng bongga. Mas cute kasi siya sa ex ko, ang pula ng labi niya, maganda boses niya, at ang hot niya. LOL. yun nga lang, mukang chickboy talaga siya. (tsaka ko na i eelaborate kung paano ko nakilala c John)

Sa tawag na yun ni Ian, iniexpect ko na malaki yung chance na baka magkita kami ng ex ko sa school na yun, kung san kami unang nagkakilala. Member kasi siya ng popular dance group sa school namin, sa madaling salita, magaling siyang sumayaw, at sa mga ganung event katulad ng G.A sumasayaw talaga yung grupo nila. Natakot ako bigla, sa totoo lang, hindi pa kasi tuluyang healed ang puso ko, at baka pag nakita ko siya, maramdaman ko ulit lahat ng sakit,  baka bumalik yung mga pinagdaanan ko nung naghiwalay kami. Baka hindi ko kayanin.

Niyaya ko si John at pumayag naman siya. Hindi ko alam kung M.U na ba kame o talagang malandi lang din talaga siya. Nag a-i love you han na kasi kami, at may words of endearment na rin. Super nag ja-jive kami. Ibang iba siya sa ex ko, sobrang daldal niya at sobrang kalog, kumpara sa ex ko na tahimik at seryoso. Madaldal din kasi ako, at palajoke. Si John naman, makulit at mabubulaklak ang mga salita. (Tsaka ko na talaga i-eelaborate ang tungkol kay John)

September 14
Isang araw bago ko bumalik sa school namin, hindi pa ko handa. Hindi ko alam kung kaya ko siyang makita. Hindi ko siya kayang makita, dahil baka pag nakita ko na siyang sumasayaw, bumalik lahat ng alaala nung college pa kami. Ako kasi ang dahilan kung bakit siya sumali at nag audition sa dance group na yun. Mahiyain kasi ang ex ko, pinilit ko lang siya sumali dun dahil sayang ang talent niya. Sobrang galing niya kasi talaga. Napaiyak tuloy ako bigla nung gabing yun. Kelangan kong ihanda ang sarili ko emotionally, umarte na okay na ko kahit hindi pag nagkita kami. Bahala na.

September 15
3pm ako sinundo ni Pau sa amin, tsaka namin sinundo c Ian.. Habang nasa biyahe...

Pau: Ri, nakita ko si name ni ex nung isang araw nag dra drive.
Ria: O? Saan? (biglang kumurot puso ko)
Pau: Sa may palengke kasama ata nanay nia. Pinagdrive ko kasi si mama, tas nakita ko siya, tinanguan nga ako.
Ria: Ah. Ganun ba. (Sabay reply sa text ni John)

Gustong gusto kong tanungin si Pau kung ano na ang itsura ng ex ko, kung anung oras yun tsaka kung kelan, pero hindi na ko umimik. Masakit. at alam nila na okay na ko, dahil yun yung pinoportray ko. Kelangan e. Simula nung nagbreak kami ng ex ko, hindi ko na siya nakita pa. Almost 4 months ko na siyang hindi nakikita. Pero yung mga kaibigan ko madalas ang nakakakita sa kanya. At humirit si Ian..

Ian: Paano pag nakita mo si name ni ex?
Ria: E di, mag Hi ako.
Ian: Paano pag may kasama siyang iba?
Ria: Okay lang yun, may kasama din naman ako e. (Sabay tawa)

Nakakainis. Habang papalapit ako sa school na yun, ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko. Hindi pa rin kasi ako ready na balikan yun, ang school na yun kung saan maraming memories tungkol sa amin ang maaalala ko. Doon kasi kami nagligawan. Sa bawat sulok ng university na yun, nakita ko kami. Yung kami na masaya dati, nung estudyante pa kami. Yung mga eksena kapag valentines day, yung mga classroom na pinagsusunduan niya sa akin. Kung saan kami natambay kapag university breaks. Yung pathway na pinaghahabulan niya sa akin kapag nag wo-walk out ako.Ang sakit palang balikan. Siya kasi ang pinakamagandang alaala ko nung college pa ako.

Mga 4:30 na rin kami nakarating sa school, 5pm naman ang usapan namin ni John na magkita doon. Malapet lang kasi si John sa school kaya doon nalang kami mismo nagkita. Kumaen kami sa canteen na lagi din naming kinakainan ng ex ko. Kinuha ang yearbook, diploma at alumni card tsaka dumirecho sa venue ng Gen. Assembly na sinasabi ko.

Nagulat ako sa suot na T-shirt ni John, kaparehong kapareho ng unang T-shirt na binigay ko kay ex. Magkaiba nga lang ng kulay pero parehong pareho talaga. (Shet! Anong ibig sabihin nito?!) 

Habang naglalakad ako at si John sa pathway ng school, marami rami rin akong nakitang familiar faces. Nakikita ko sa mga reaction nila na nagtataka sila kasi iba yung kasama ko. Dati kasi si ex ngayon iba na. Nakipagkita rin ako sa mga dati kong ka dorm mates na lower year sa akin, kita ko din sa muka nila yung pagtataka. Humiwalay muna si John sa akin at pinuntahan yung mga tropa niya na nandun din para makinood, hilig kasi nila mga tugtugan kasi may banda sila. At nagkamustahan kami ng mga ka dorm mates ko.

Michelle: Ate Ri, bakit hindi mo kasama si name ni ex?
April: Break na sila anu ka ba.
Ria: (tahimik lang)
Michelle: Okay ka na ba?
April: Okay na yan, may iba na nga siya e. Mas gwapo pa kay Kuya name ni ex.
Ria: Lukaret ka talaga April.

Mas close kami ni Michelle kaysa kay April, at mas alam ni Michelle ang mga kilos at galaw ko. Kahit naman dati alam niya kapag may problema ako sa ex ko. Siguro dahil Psychology student siya. Alam kong alam niyang hindi pa ako okay. Pero hindi nalang ako masyadong nagkwento. Tapos na kami ni ex e. Ayoko ng magkwento pa. Nakakapagod din pala.

Pagkatapos tumugtog ng Spongecola, dumiretso kami sa SM para don mag dinner. Yosi break kami ni John after kumain, kwentuhan to the max, landian ever. Habang nag grocery naman sila Ian at Pau.

Masayang kasama si John. Tinatanong niyo ba kung nakita ko si ex? Hindi ko siya nakita. Hindi ko alam kung tapos na ba yung dance number nila nung dumating kami, o mag dadance number palang sila nung pag-alis namin. Pero andun yung grupo niya. Hindi narin ako nag effort para hanapin pa siya. Hindi pa talaga siguro kahapon yung tamang oras para makita ko siya.

*at sobrang haba ng blog ko. antagal ko din kasing hindi nakapag kwento. 
andami ngyare sakin sa nakalipas na 1 month. kasama nadin dun yung pagtatagalog ko sa blog na to.
*kwentuhan ko kayo about kay John sa mga susunud na araw.

4 comments: